Get the APP hot
Home / Romance / BELLAROCCA, Langit Sa Piling Mo
BELLAROCCA, Langit Sa Piling Mo

BELLAROCCA, Langit Sa Piling Mo

4.9
8 Chapters
750 View
Read Now

About

Contents

Bzzz! Bzzz!, nagising si Aaliyah sa pag vibrate ng kanyang cellphone na nasa side table ng kama ng kanyang kinahihigaan...balot ng puting kumot ang kanyang hubad na katawan inabot ng kanyang kanang kamay ang cellphone..4am ang nakarehistro sa screen ng cp, hindi na nya natapos basahin ang mensahe ng kanyan kapatid na bunsong lalaki, nag uunahan ang mga luha na kusang bumagsak sa kanyang mga tsinitang mata. Isa lang ang rumihistro sa utak nya...patay na ang kanyang pinakamamahal nyang ina na kasalukuyang naka confine sa Provincial Hospital ng kanilang lalawigan. Pahid ang luha sa kanyang mata napasulyap siya sa lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang tabi na kahit sa malamlam na liwanag na nagmumula sa cp na hawak nya at sa liwanag na nagmumula sa liwanag ng ilaw sa labas ng bintana ng terasa ng silid ay nakikita nya kung gaano kaamo ang mukha ng lalaking katabi nya na binagayan ng prominenteng ilong at malalantik na kilay. Pagtapos ng ilang segundo na kalmahin ang sarili..dahan dahan cya bumaba ng kama sa takot na magising ang katabi...nagbihis at anyong lalabas na ng silid ng Makita ang manager's cheque na nakapatong sa side table...hindi na nag aksaya tingnan ang halaga na naksulat doon..napabuntong hininga na lang si Aaliyah.. para ano pa? iniwan nya ang cheque at lumabas ng silid... binaybay nya ang madilim na pasilyo ng bahay na waring gustong takasan kung ano man ang nangyari sa gabing yun.

Chapter 1 Bellarocca

Bellaroca Resort and Spa. Hindi mo aakalain na matatagpuan ang isang makabagong architectural design at grandeyosong resort at spa sa isang tagong isla sa lalawigan ng Marinduque. Hanggat hindi mo hahanapin sa google or internet ang resort na ito, saka ka lang mamangha at maaakit sa malaparaisong lugar na ito na napaliligiran ng asul na tubig dagat. Sa simpleng pangalan ng resort na ito, kabaliktaran ito Ng makikita mong ibat ibang angulo Ng resort na ito. Animoy dinala ka nito sa Greece sa anyo at sa klase ng mga struktura ng resort.

Mas lalong naging kaakit akit ang lugar na ito sa mga kulay berdeng puno na nakapaligid sa isla at sa hugis nito na ginamitan Ng makabagong architectural design na pinatag ang ilang bahagi Ng isla at tinayuan ng makabagong gusali at mga kagamitan na ang presyo ay katumbas Ng isang korporasyon.

Walang ibang kulay ang mga bawat gusali liban sa kulay Puti na lalong nagpatingkad sa ganda nito sa repleksyon Ng kulay asul na tubig dagat..Makikita ang magagarang yate sa paligid ng resort na siyang ginagamit sa pagsundo at paghatid ng mga VIP guests kung mangagaling Ng El Nido sa palawan, Boracay sa Aklan or sa Puerto Galera sa Mindoro.

"hoy" sabay tawa ng babaeng nanggulat.Si Kristel, isa sa mga receptionist ng resort. Abot tenga ang pagkakangiti na labas ang biloy sa dalawang pisngi.

"Ano ka ba? Bakit ka ba nangugulat?" sabay ayos sa kulay na pencil cut na palda ni Aaliyah, dahil hindi sanay sa 1 inch above the knee na palda, dagdag pa na para suman sa sobrang hapit sa kanya Ng balakang,lalo mejo may kaumbukan nyang butt, na madalas sinasabi ng kanyang mga kaklase na kolehiyo na asset nya.

"hahaha, eh pano po parang ang layo ng tingin mo, hindi mo naramdaman ang kagandahan ko, ano ba tinitingnan mo?" sabay dikit sa mukha ni Aaliyah upang tingnan ang tinitingnan ng kaibigan. Isang grupo ng dalawang lalaki at tatlong babae ang makikitang masayang nagtatampisaw sa infinity pool sa gilid ng resort na aninag sa salaming bubog ng resort. Base sa galaw ng limang kabataan at mga ngiti sa labi, mahuhulaan mo na enjoy na enjoy ang mga kabataan sa pagtatampisaw sa malawak na infinity pool.

"Ano meron sa kanila beshy?" sabay baling ng tingin kay Aaliyah na noon ay inalis na ang pagkakatitig sa mga kabataan at inayos na ang kanyang area sa front desk, dahil anumang oras ay baka may dumating ng mga guest ng resort.

"Wala, natutuwa lang ako pag masdan mga un, mga tunay na anak ng Diyos" sagot ni Aaliyah na walang halong inggit sa kanyang mga salita habang tinitingnan ang repleksyon sa maliit na salamin, pagkatapos mapagmasdan ang imahe sa salamin napangiti cya na makita maayos ang pagkakalagay nya ng make up sa mukha, lalo na ang kulay ng kanyang maninipis na labi na hindi na nya kailangan lagyan ng lipstik dahil natural itong mapula.

"ahahaha bakit di ba tayo anak ng Diyos?" may pagka OA na sambit ni Kristel sabay ikot ng kanyang mabibilog na mata.

"hoy beshy bunganga mo ang lakas baka marinig tayo ni tiger" sabay tingin sa paligid, ang tinutukoy na tiger ni Aaliyah ay si Ms Llorca, ang front desk resort manager. "Alam mo naman yun, bigla sumusulpot, mapagalitan na naman tayo"

"Hayaan mo siya, hindi naman tatawaging tigre un kung hindi laging nakasinghal at nakasigaw, kahit maliit na bagay galit agad at nag bubunganga" sagot ni Kristel sabay simangot. "Saka wag mo ibahin usapan, bakit mo naman nasabi na tunay na mga anak ng Diyos?" sabay nguso sa mga kabataan na patuloy na nagtatampisaw sa pool sa ganun kaagang oras.

"Magkano ba isang araw at isang gabi mag stay dito sa Bellarocca?" sabay balik na tanong ni Aaliyah sa katrabaho na kalaunan ay napalagayan na nya ng loob dahil masaya itong kasama at may pagka kalog.

"uhmmm", kunwari nag iisip na sagot ni Kristel at sabay turo ng daliri sa sentido na sinabayan ng taas ng eyeball. "Three thousand dollar"

"See? sino namang ordinaryong tao makaka afford sa ganitong kamahal na Hotel Resort? at dollar ha, hindi sa currency natin na Philippine Peso, pa two years na ako dito pero limang kapuwa Pilipino natin pa lang ang ang nakapag check in dito sa mala paraisong resort na ito" mahabang tugon ni Aaliyah

"Tama ka, Ung isa president ng Pilipinas at ung isa anak ng senador at ung tatlo mga kilalang business tycoon at lahat na mga foreigners mula sa iba't ibang bansa na parang galit sa pera kung makapag waldas"

"Morning, ano pinag chichismisan nyo?"

"As usual, late ka na Naman Josh" sambit ni Aaliyah sa kakarating na kasamahan sa front desk.

"Ano bago, eh lagi Naman yan late" dagdag ni Kristel na noon ay naghahanda na sa pag dagdating Ng mga guests Ng hotel.

"Aw, grabe sila oh" medyo may pagka kenkoy na sagot ni Joshua, habang inaayos ang necktie Ng hotel uniform.

"You're late again Joshua Sabater,!" malakas na bulyaw na nakapamewang ng front desk manager na si Ms Llorca na bigla lumitaw sa harap nila.

"Eh.." nauutal na sambit ni Joshua habang napakamot sa ulo. paktay ako nito sa loob loob nito sa sarili..kahit sanay na sila kung pao sila sitahin hindi parin siya masanay.

"Enough! alam ko na sasabihin mo, kesyo napasarap ka ng tulog kaya di ka nakaabot Ng shuttle bus, one more late Mr Sabater and take the consequence" Mahabang litanya ng kanilang front desk manager na hindi inaalis ang dalawang kamay sa bewang na akala mo reyna umasta.

"Yes ma'am!" nakayukong sambit ni Joshua na namumula ang mukha sa pagkapahiya, Buti na lang wala pang mga VIP guests Ng umaga Ng iyon, wala pa Naman itong pinipiling lugar kung manita Ng hotel staff.

"Now,go back to your work, any moment from now darating na mga VIP guest na Taiwanese, the VIP shuttle bus is on its way from the airport, oh kayong dalawa" sabay turo kina Kristel at Aaliyah na noon ay bisi bisihan kunwari sa pagbabasa at pag rereview Ng logbook nga VIP guests.

"yes ma'am?" sabay sambit at tingin Ng dalawang babae sa kanilang supervisor na mejo kinakabahan, sa dalawang taong Nila sa Bellarocca hotel and spa ay alam na Nila ugali nito.

"Once na dumating ang VIP shuttle, samahan nyo ako sa main entrance Ng hotel para salubungin ang mga Taiwanese guests"

"Yes ma'am, copy!" nagtataka man umuo na lang ang dalawa, Bakit kailangan Nila sumama, sa loob loob ng dalawa na nagkatinginan, pero hindi na sila kumontra dahil tumalikod na ito patungo sa manager's room.

"Ano meron at kailangan nating sumama sa kanya sa pagsalubong sa mga VIP guests sa main entrance nitong hotel" hindi napigilan na tanong ni Kristel sa mahinang tono sa takot na bigla na Naman itong lumitaw at tulad ni Joshua eh mabulyawan siya.

"Sana tinanong mo kanina" sagot ni Joshua na noon ay nag aayos Ng door cards Ng mga silid Ng hotel.

"Aba,aba,bumabawi ka ha, porke napagalitan ka" napapangiting sagot ni Kristel.

"Kayo dalawa, tumigil na kayo sa harutan nyo, alam mo Naman un bigla sumusulpot, marinig kayo, saka any moment magdadatingan na mga guests Ng hotel" sabat ni Aaliyah.

Sasagot pa sana si Joshua ng mapatuon ang mata nito sa main entrance Ng hotel na kahit nasa tatlumpong metro ang layo nito sa front desk at hindi maaring magkamali ang dalawa nyang mata sa kanyang nakikita.

"oh dedma ka, sino ba tinitingnan mo?" tanong ni Kristel sabay tingin sa main entrance Ng hotel kung saan nakatitig. "as usual lagi ka na lang ganyan kapag nakakakita ka ng napakagandang babae na papasok sa hotel na to, hindi ka na masanay, luwa na Naman mata mo" naiiling at napapangiting kantyaw ni Kristel kay Joshua.

"Duh, eh ano naman?" sagot nito na walang alis ang tingin sa babaeng kapapasok lang Ng hotel at ngaun ay papalapit sa Kanila sa front desk.

"Good morning ma'am! welcome to Bellarocca, How can I help you? nakangiting bati ni Aaliyah sa bagong dating na guest,kahit siya ay humanga sa taglay nitong ganda na animo ay buhay na manika sa suot nitong empire dress na kulay krema na binagayan Ng flat sandals, dagdag pa ang akala mo gatas na kulay Ng balat, kaya hindi nya masisi si Joshua na halos lumuwa ang mata sa pagkakatiitig sa babae.

"I need one presidential suite for four nights and five days, sagot Ng babae, sabay abot Ng gold card kay Aaliyah.

Agad inabot ni Aaliyah ang gold card agad para iswipe sa card machine. Ding! agad rumihistro sa machine ang 2.7 milyong halaga para sa apat na gabi at limang araw na mag stay Ng babe at ng Kasama nito kung meron man.

"Your card ma'am" , magalang at nakangiting abot ni Aaliyah sa card Ng babaeng guest na noon ay pinasusulat ni Joshua sa Logbook Ng VIP guest.

"You can enjoy all the amenities of the hotel ma'am, as well as our world class yacht for your island hopping during your stay. Paliwanag Naman ni Kristel.

"Thank you" , sagot Ng babae na nakangiti , By the way, my mom will come later please lead her way to my suite she is just a little bit late", kay Aaliyah ito nakatingin,

"It's my pleasure ma'am and please enjoy your stay" nakingiting sagot ni Aaliyah.

"Here's your room card ma'am" sabat ni Joshua na noon ay nagniningning sa pagkakatingin sa babae,

Lumapit ang isang male hotel staff upang Iguide ang babaeng guest patungo sa presidential suite. "This way ma'am, sabay alalay nito sa pag dala Ng luggage Ng VIP female guest.

Continue Reading
img View More Comments on App
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY