Get the APP hot
Home / Billionaires / Dusk Till Dawn _LY_s e r i e s
Dusk Till Dawn   _LY_s e r i e s

Dusk Till Dawn _LY_s e r i e s

5.0
10 Chapters
82 View
Read Now

About

Contents

"I can do anything for you honey" -Lorkan

Chapter 1 Fake

Fake

May kanyakanya tayong paraan para mabuhay.May kaniya kaniya tayong balak mangyari sa buhay.May kaniya kaniya tayong buhay.

Okay lang kung wala kang pangarap.Ang mahalaga masaya ka.Wag mong iisipin ang sinasabi ng iba.

Maraming mapanghusga sa mundo, kailangan mo lang Na mawalan ng pakealam.They will judge you anyway so whatever.

"Sadiah Gutierrez,14.My dream is to be a stealer."

Nakatayo sa aking harapan ang babaeng naka itim Na pantalon,denim jacket at may sakbit na bag.

"14 ka lang?bakit ang tangkad mo?"

I asked her out of curiosity.Apat Na taon Ang agwat namin sa isat Isa ngunit halos mag kasing tangkad lang kami.

Tumayo ako at pinag krus ang braso.Inikutan ko siya habang nanatili siyang naka Tayo at naka hawak sa Isang strap ng bag niya.

"Volleyball player ka no?"

Tanong ko Pero umiling lang sya.Tumango tango ako bago bumalik sa Pag kaka upo.

Ipinatong ko sa lamesa Ang paa ko.

"Bakit dito ka nag apply?bakit sa kumpanya ko gusto mo?"

Nag kibit balikat siya.

"Dito ako dinala ng mga paa ko"

"Kapag tinanggap Kita sa kumpanya ko,tanggap ka na din sa Risen Organization.How about seven codes?"

"Alam ko na iyon,nag research ako tungkol duon"

Napangiti ako dahil sa isinagot niya.Ang galing niyang sumagot,nakakamangha.Kalmado lang siya at hindi kinakabahan.

"Alright"

Bumukas ang pinto kaya Napa tingin ako duon.Iniluwa nito Ang tatlong lalaki na kulay dilaw,berde at pula ang kulay ng buhok.

"Sumama ka Kay Lorena,bibigyan ka niya ng id"

Sambit ko.Tumayo si Lorena Mula sa Pag kaka upo sa sofa dahil nanonood siya ng tv kanina.Nauna siyang maglakad palabas at kasunod niya si Sadiah.

"Bossing"

Masiglang bati ni Nick bago sila naupo sa sofa.

Umirap ako at tumikhim.Anong nangyari sa buhok nila?kahapon ay itim pa Ang kulay ng mga ito tapos ngayon ay nag iba Na.Feeling k pop.

"Anong pautot Na naman to, traffic lights ba kayo?"

Naka mungot Kong tanong sa mga ito.Nakaka banas silang tingnan.Napa kamot si Nick sa ulo niya.

"Ano ka ba Devie,Ang ganda nga ng buhok namin e.Ang angas,lalo akong gumwapo"

Naka ngising Sabi ni Kyton bago sumandal sa sofa.Napa ngiwi nalang ako at inintindi Ang sakit niya sa utak.

Tumingin ako sa patas ng folder Na nasa lamesa ko.Kumuha ako dito ng Isa at binuklat iyon.

Binasa ko Ang buong article para sa gaganapin na party bukas sa Kiero Hall.

"Lipat mo sa soccer"

We will let you all see the international ruby at Kiero Hall,7pm in the afternoon.After a long wait, finally y'all will see our lovely ruby.Prepare your moneys.

,Only invited can come.

Ayun Ang naka saad Sa article.Hindi ko na binasa Yung iba dahil masyadong mahaba.

Ibinaba ko sa lamesa Ang folder.

"Anak nang-"

Napalingon ako sa tatlong naka upo sa sofa habang tutok Na tutok sa tv.May hawak si Axel na papel at ballpen habang si Nick naman ay hawak Ang cellphone niya.

"Reported yung link,men"

Napakamot sa ulo si Nick.

"Pa tatlong link Na yan,men.Kainis,Isa pa meron pako ditong nakopya-"

Padabog akong tumayo at umirap sa kanila.

"Follow me human traffic lights"

Sabi ko bago kinuha Ang cellphone at folder Na nag lalaman ng article.Nag lakad ako patungo sa labas.

"Human traffic lights daw men,grabe ka bossing"

Dinig Kong reklamo ni Nick habang naka sunod Na silang tatlo sa akin.Nagpatuloy ako sa Pag lalakad nang hindi sila nililingon.

"Familiar nga Yung kulay ng buhok natin,men.Muka ngang traffic lights"

"May point ka axel,Ang sagwa pala tingnan kapag mag kakatabi tayong tatlo no."

Pag kasabi ni Kyton nito ay umuna una siya nang lakad at pumantay sa Pag lalakad ko.

Nanahimik Na si Kyton habang Ang dalawa sa likuran ay patuloy parin Na nag uusap tungkol sa traffic lights.

Seriously?ngayon lang nila napansin na kulay ng traffic lights Ang ikinulay nila sa buhok nila.Kay axel dilaw,Kay Kyton pula,Kay nick berde.what's wrong with them?

Nang makarating Na kami sa tapat ng meeting room ay Isa Isa silang nag tapat ng id habang ako naman ay nag taas lang ng Isang kilay at Na detect Na ako dahilan upang bumukas ang pinto.

Nag tungo ako sa aking upuan at ganoon din Ang tatlo.

"Anong meron Devie?"

Tanong ni Axel.

"About international ruby"

Sabi ko bago inilabas ang cellphone ko at idinial ang number ni Lorena.Kaagad itong sumagot.

"Yung id ni Sadiah,tapos naba?"

"Oo,may i.d Na si Sadiah-"

"Alright, dumiretso kayo sa meeting room"

"Bakit?anong meron?"

"Tungkol sa international ruby"

Ibinaba ko Na Ang linya bago kinuha Ang folder at binuklat iyon.

"Tuloy pa yung Pag labas sa international ruby?akala ko hindi Na daw"

Sabi ni Axel.

"Akala ko nga matagal pa,sabi sa balita"

Kibit balikat ni Nick.

Itinukod ko Ang dalawa Kong siko sa table.

"Sinabi yon?"

Tanong ko Kay Nick at tumango naman ito.

"Kagabi lang"

Kagabi lang?bakit sila nag bibigay ng impormasyon Na hindi naman sigurado?nakakapag taka.

Hinintay namin na maka rating si Lorena kasama si Sadiah na dala padin Ang kaniyang bag.

Naupo silang magkatabi at parehong sumandal sa upuan.

"Ngayon Na ba ako mag sisimula?"

Tanong ni Sadiah.Tumango ako at tumikhim lang bago binasa sa kanila Ang nilalaman ng article.

"Bukas ba talaga?"

Kunot noo at hindi makapaniwalang tanong ni Nick.

"Oo nga,bakit ba Ang kulit mo"

Sita ni Lorena dito kaya inirapan siya ni Nick.

"So,are we going to get the ruby?"

Tanong ni Sadiah.Tumango ako bago dalawang beses Na itinuktok Ang ballpen sa lamesa.

"7 pm ang simula nang event,bago mag 7 dapat maisagawa Na Ang plano para makuha Ang ruby."

Pinag masdan ko sila at nang makitang tahimik silang nakikinig ay patuloy akong nag salita.

"May dadating Na invitation satin mamaya,mag pa duplicate nalang Ang Isa sa inyo para meron si Sadiah."

"Ako Na Ang mag papa duplicate"

Sabi ni Axel.

"Kyton,ikaw ang bahala sa lahat ng cctv,kailangan naka off lahat ng cctv bago mag simula Ang event.Lorena,ikaw sa ilaw,Nick ikaw Ang mag bubukas ng kahon Na salamin kung saan nakalagay Ang ruby.Sadiah at Axel kayong dalawa Na Ang bahalang kumuha ng ruby."

Tumayo ako at humalukipkip pagkatapos Kong sabihin kung saan sila naka atas.

"Ako nalang ang kukuha ng ruby,wag si Axel napaka bagal niyang gumalaw-"

"Shut up,men."

Putol ni Axel Kay Nick.

"Biglaan ang meeting Na ito,biglaan din Ang Pag paplano dahil biglaan Ang mangyayari.Kailangan nating mag madali."

Seryosong Sabi ko kaya tumahimik sila.

"Listen,Pag ka dating duon Kyton,i off mo kaagad ang cctv.Wag mong hayaan Na Makita ng nag momonitor Ang muka mo,kung kailangan talian sya at lagyan ng tape Ang bibig.Gawin mo."

"Yes,ms.Devie.Ayos to"

Ngising Sabi nito.

Nag lakad ako pabalik balik sa harapan habang sila ay naka tingin sa akin.

"Nick,pumunta ka sa secured room kung saan naka tago Ang ruby.If im not wrong may ilang bantay duon,Ikaw Na Ang bahala Na ma unlock yung kandado ng hindi nila nahahalata."

"Kukunin ko Na din Yung ruby,kaya ko naman Yun gawin Pag ka unlock"

"sumunod ka nalang sa plano"

Sabi ni Kyton

"At saka ano pang gagawin namin ni Sadiah kung ikaw Na din Ang kukuha ng ruby?"

"Enough.Humanda kayo ni Sadiah dahil I eexpose sa open hall Ang ruby.Abangan nyo Na agad tapos kunin nyo Pag namatay lahat ng ilaw.Ikaw Lorena-"

Natigil ako sa Pag sasalita nang makitang naka sandal si Lorena sa upuan at naka halukipkip habang natutulog.

"Lorena"

Nag babantang Sabi ko dito Pero hindi niya iminulat Ang kaniyang mga mata.

"Gising"

Kinulbit ni Sadiah si Lorena at saka palang ito gumising.

"Bakit?"

Inosenteng tanong nito sa kawalan.

"Anong bakit?umuwi ka nalang kung tulog pa Ang diwa mo"

Inis Kong Sabi dito.Tumawa si Axel

"Buang"

Nag apir sila ni Nick.Si Kyton naman ay natatawang ginulo Ang buhok ni Lorena.

"Bwisit,manahimik kayo"

Sita ni Lorena bago humikab.

Kababaeng tao napaka antukin.

"Kapag nai labas Na Ang ruby at napakita Na sa lahat,patayin mo lahat ng ilaw.Then,gumalaw Na kayo Sadiah at Axel"

"Ah,okay Yun lang pala"

Bulong ni Lorena bago muling humikab.iiling iling Kong dinampot Ang bag ko at lumabas Na nang kwarto.Bago ako umalis ay narinig ko silang nag uusap usap tungkol sa event.

Nang mag ring Ang cellphone ko ay sinagot ko ito habang nag lalakad ako pabalik sa opisina.Lahat ng mga empleyadong nadadaanan ko ay binabati ako kaya tinanguan ko nalang sila.

"Ms.Larzon.Five invitation arrived"

Sabi ng kausap ko sa linya.

"Bring it to my office"

Natapos Ang araw Na iyon at lahat kami ay nag handa para sa gaganapin kinabukasan.Habang nag mamaneho ako ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit nagbago Ang desisyon ng holder ng ruby.

Nakarating ako sa bahay at sa kwarto ko kaagad ako dumiretso.Nag palit ako nang damit ko pantulog bago naglakad muli patungong walk in closet.

Humanap ako ng dress Na isusuot ko bukas.Dala ko Ang kulay asul at kulay pula Na dress patungo sa tapat ng malaking salamin.

Tiningnan ko kung anong mas bagay sa akin.Ang paborito Kong kulay ay asul Pero mas bagay sa akin Ang kulay pula kaya ibinalik ko Ang asul Na dress.

Pinag masdan ko Ang pulang kumikinang Na dress at napangiti nalang ako dahil Ang ganda nito.

Ipinatong ko ito sa queen size bed nang marinig Kong tumunog Ang cellphone ko.Tumikhim ako at iimik pa lang nang boses kaagad ng aking ina Ang narinig ko.

"Devie,bukas Ang uwi ng kuya mo.Sumama ka sakin sa pag sundo sa kaniya sa airport"

"May gagawin ako bukas ina"

Sabi ko bago naupo sa kama.Narinig ko Ang Pag buntong hininga niya.

"Bukas Na Ang event,siguro naman ay wala Kang gagawing kung ano Devie"

Malamig niyang Sabi Na ikinatahimik ko ng ilang segundo.

"Sasama ka sakin bukas sa airport-"

"Aattend ako sa event ina"

Mabilis Kong Sabi bago siya binabaan ng linya.Paulit ulit Na tumunog Ang cellphone ko Pero hindi ko Na ito sinagot.

Pakiramdam ko Alam niyang may binabalak ako para bukas.Nako naman...

Kinabukasan,Pag tingin ko sa cellphone ko ay nakita ko kung gaano kadaming missed call Ang naririro.Lahat nang iyon ay Mula Kay ina.

"Paki cancell lahat ng meeting ngayong araw"

Sabi ko sa secretary ko Pag ka rating ko ng opisina.Tumango naman ito.

Inilagay ko Ang salamin ko sa aking ulo bago sumandal sa aking swivel chair at nag paikot ikot duon habang ichinecheck Ang twitter ko.Trending Ang event Na magaganap mamaya.Excited talaga sila,nako naman.

Maya Maya pa ay dumating Na si Sadiah Na may sakbit Na bag.Dumiretso siya sa single Na sofa at duon naupo.

"Good morning"

Bati nito bago inilagay sa kandungan niya Ang bag at may kinuha Mula sa loob nito.

"Nakapag pa duplicate Na ba ng invitation?"

Tanong ko habang naka tingin sa kaniya.Inilabas niya Ang Isang balot ng gummy candies.Binuksan niya iyon at inutay utay kainin.

"Sabi ni Axel nasa kaniya Na daw,mamaya nalang daw ibibigay sakin"

Sabi nito.Hindi Na ako umimik at ganun din siya.Ibinalik ko Ang atensyon ko sa aking cellphone.Nag tungo ako sa Facebook,pagkabukas Na pagkabukas ko palang ay post ng isang grupo Na parte ng organisasyon Ang bumungad sa akin.

Naka lagay duon sa picture ay Ang ilang collection ng mga mamahaling bagay Na nanakaw nila.

"Sus"

Mahinang Sabi ko bago nag scroll.Puro walang kwenta naman Ang nakukuha nila.Sa ibang bansa sila nag nanakaw dahil nauunahan namin sila kapag dito.Wala nang mas gagaling pa sa grupo ko.

"Wassup everyone"

Napatunghay ako ng biglang bumukas Ang pinto at pumasok Ang human traffic lights.Tumikhim ako,napaka hyper talaga nila.Umiling iling ako.

"Good morning bossing"

Bati ni nick bago naupo malapit Kay Sadiah.

"Penge"

Hindi pa tumatango si Sadiah ay dumukot Na ito ng candy.

"May isusuot Na ba kayo mamaya?"

Tanong ko bago inilapag sa lamesa Ang cellphone ko.Nahiga si Kyton sa mahabang sofa bago binuhay Ang tv.Muka Na talagang bahay Ang opisina ko dahil sa mga mokong Na ito.

"Syempre naman,may partner partner ba don?ako partner mo mamaya Devie"

Sabi ni Kyton.

Tumawa si Axel na naka Tayo at naka harap sa salamin Na naka dikit sa pader.

"Sira,walang partner dun.Partner partner ka Diyan"

Sabi nito habang inaayos Ang kaniyang buhok.

"Naka handa Na Yung susuotin ko,nasa vacant room sa taas"

Tinutukoy ni Nick ay yung Isa sa tatlong vacant room sa pinaka huling ng building Na ipinasadya ko para sa ibang mga empleyado ko.May kama duon, bathroom at kung ano ano pang makikita sa hotel.

Ginamit iyon nina Nick para tulugan kapag ayaw nilang umuwi sa bahay nila o kaya kapag nag oover time sila.

Sumapit Ang 5:30 ng hapon.Bumalik ako sa bahay ko para mag handa na.

"Keena,pakitawag si corb sabihin mo mag ayos, aattend ako sa event"

Sabi ko sa kasambahay ko.

"Hahanapin ko sa labas"

Tukoy nito sa aking driver.

Naligo Na ako at nag bihis.Nag make up ako ngunit hindi ganuon kakapal dahil mabilis mabanasan Ang muka ko.

Kumuha ako ng kwintas sa Cabinet ko at isinuot iyon.

Naupo ako sa kama bago hinagilap Ang heels na katerno ng suot ko.

Nang matapos Na akong mag ayos ay lumabas Na ako ng kwarto ko at nag lakad pababa ng hagdan.

Nang makita ako ni corb ay nag tungo Na siya sa sasakyan.

"Devie kumain ka muna"

"Hindi na,hindi naman ako gutom"

Sabi ko Kay keena.

Dumiretso ako sa sasakyan.Pinag buksan ako ni Corb.Van Ang aming sasakyan dahil mas maluwag duon.

"Ms.Devie diretso na ba Tayo sa event?"

Tanong nito.Umiling ako at inilabas Ang aking cellphone.May mga missed call ulit si Ina pero hindi ko Na ito pinansin.

"Dumaan Tayo sa opisina"

Idinial ko Ang number ni Kyton,ilang segundo din itong nag ring bago niya sagutin.

"Ms.Devie,sup?"

Pabuga niyang Sabi.

"Anong sup sup?pumunta kayo sa tapat ng building,duon ko kayo susunduin"

"Alright, alright"

Ilang minuto Ang nakalipas at nakarating Na kami sa tapat ng building.Huminto Ang sasakyan sa tapat nina Nick.

Lahat sila ay naka ayos Na maging si Sadiah,nangunot Ang noo ko nang napansin Na wala si Lorena.

"Woohoo, excited nako"

Sabi ni Axel nang maka sakay Na sila sa loob ng van.

"Where's Lorena?"

Tanong ko.Nag katinginan sila.Inis Kong idinial Ang number ni Lorena.

Kung saan saan lupalop na nang mundo napunta Ang babaeng iyon.

"Sabi kanina on the way Na daw siya e,tinawagan ko"

Rinig Kong Sabi ni Nick.

"Ang ganda ng suot mo Devie,Ang ganda mo"

Hindi ko Na pinansin si Kyton.

"Hmm,Lorena Banda of...oceanasonian company,whos this?"

Antok pa Ang boses niya at mukang naka pikit siya habang sinasabi iyon.Anak nang,wag nyang sabihing natutulog siya.Jusko Lorena!

"Lorena, bumangon ka Na"

Nag titimping Sabi ko.Sa lahat nang ginagawa namin,si Lorena at Axel Ang pinaka malaking problema.Si Axel ay mabagal kumilos,si Lorena naman ay napaka antukin.

"D-devie?ms.Devie,im on the way-"

"Lorena,Isa malilintikan ka Na talaga sakin kapag nahuli Tayo sa event!"

"Eto Na,eto Na maliligo na-"

"Anak nang,bakit ba naman natulog ka pa?"

"Nasa vacant room lang naman ako,wala ako sa bahay.Maliligo nako"

Binabaan niya ako ng linya kaya Napa buga ako ng hangin dahil sa inis.

"Ano bang meron diyan Kay Lorena?napaka antukin!"

Singhal ko.

"Dika Na nasanay"

Halakhak ni Axel.

Nang sumulyap ako sa rear mirror ay nakita ko si Sadiah Na tahimik Na kumakain ng gummy candies.Ngayon ko lang din napansin Na nasa tabi niya Ang bag niyang kulay itim.

Ilang minuto kaming nag hintay at muntik nang maubos Ang pasensya ko dahil sa Pag ka inip.

"Lorena Lorena"

Paulit ulit kong sabi habang hinahaplos Ang buhok ko.Maha Haggard ata ako sa Isang yon.

"Ayan na si Lorena"

Sabi ni Sadiah.bumukas Ang pinto ng sasakyan sa tabi niya at kaagad Na sumakay duon si Lorena.Humikab sya bago inayos Ang kaniyang buhok.

"Gusto mo bang habang buhay Na matulog?"

Tawa ni Nick.Hindi siya pinansin ni Lorena.

Im so done with them.

"Let's go"

Sabi ko.

Maingay Ang human traffic lights habang on the way kami.Puro kabastusan Ang pinag uusapan nila,mag paparamihan ata ng babae ngayong Gabi.

"Andito Na Tayo"

Sabi ni Sadiah.

"Alam namin"

Tawa ni Nick.Naunang bumaba si Kyton para Pag buksan ako ng pinto.Nag lahad siya ng kamay at tinanggap ko nalang iyon.Nang mapasulyap ako sa loob ng sasakyan ay nakita ko si Lorena Na nakasandal sa upuan at mahimbing Ang tulog.

"Anak nang-"

Napatingin sa akin si Sadiah Na nasa tabi ko.Tumingin siya Kay Lorena.

"Tulog si Lorena"

Sabi nito.Kinunotan ko siya ng noo.

"Oo, Sadiah.Alam ko,Yan nga o Kita ko diba"

Sabi ko dahil sa inis.

"Lorena,gigising kaba o Isang araw kitang hindi patutulugin"

Kaagad niyang idinilat Ang mga mata niya at lumabas ng sasakyan.Umirap ako sa kaniya.

Nag lakad Na kami patungo sa open hall,may dalawang guard Ang naka bantay upang kumuha ng invitation.Iniabot ko dito Ang sa akin bago ako nag dire diretso papasok.

Sumalubong kaagad sa amin Ang media at paparazzi.

Ngumiti ako para maganda Ang kuha ng mga picture.

Naririnig Kong pinupuna at pinupuri nila ako ganun din Ang mga kasama ko ngunit nag dire diretso Na kami.

Naupo kami sa may parteng dulo.May bilog Na lamesa sa gitna namin Na nag lalaman ng mga inuming alak.

Marami Na din Ang tao pero napansin Kong wala manlang mga pulis o sundalo sa paligid.

Napaka laki ng halaga at napaka importante ng international ruby.Kaya sigurado akong dapat mahigpit Ang seguridad.Hindi talaga sila nag handa.

"Kita mo yon,Legaspi Ata yon?maikakama ko Yan ngayong Gabi"

Dinig Kong Sabi ni Nick habang naka tingin sila ni Axel sa babaeng naka ladlad Ang hita.

"Ayun,dyan kayo magaling.Dapat sa inyo pinuputulan ng alaga e"

Sarkastikong Sabi ko.Tumawa lang Ang dalawa at pinagkatuwaan Ang sinabi ko.

"Putulan daw,men?"

Dinig Kong bulong ni Axel.

"Ayusin nyo Yung Pag kaka suot ng earpods"

Sabi ko.Earpods lagi Ang ginagamit namin para hindi mag duda Ang iba kung bakit may naka lagay sa Tenga namin.

Tiningnan ko kung anong oras Na.Nilingon ko si Kyton Na naabutan Kong naka tingin din sakin.Tinanguan ko siya at agad naman niya akong naintindihan.Tumayo siya at kumilos na ganun din si Nick.

"Exciting to"

Sabi ni Axel habang naka ngisi.

Kumuha ako ng baso ng alak at nilagok iyon.Dapat seryosohin to, gusto Kong makuha Ang International ruby at Ang grupo Na namin Ang mangunguna sa risen Organization.Sa ngayon ay nasa ika apat Ang pwesto ng grupo ko.

Mayamaya pa ay may nagtungo sa unahan Na lalaki.Marahil ay emcee.

"So, Good afternoon everyone!"

Maligayang bati nito.Sumandal ako sa upuan at tiningnan si Lorena ngunit wala Na ito sa tabi ko.

"Where are you Lorena?"

Mahina Kong tanong.

"Naka posisyon nako,ta timing an ko nalang kung kelan ko ibababa Ang power ng kuryente."

Itinaklob ko sa earpods Ang buhok ko upang matakpan ito at hindi mapansin ng iba.

"Good-"

"Teka iihi lang ako-"

"Ano?wag ka nang umalis dyan"

Sabi ko Pero hindi Na ito tumugon.Napahampas nalang ako ng mahina sa lamesa.

"How is it going Kyton?"

Tanong ko.Nag sasalita Na Ang emcee sa harapan at pumapalakpak naman Ang mga tao.Iginala ko Ang mata ko at wAla nga talaga akong nakitang security.

"Done,pabalik nako dyan."

Sabi nito.Tumingin ako Kay Axel at Sadiah Na ngumunguya ng gummy candies.

"Babantay Na kami?"

Tanong ni Axel.Umiling ako.

"Hintayin muna natin Na bumalik si Kyton at Nick"

Baka may magtaka kung bakit ako nalang mag-isa Ang nasa table.

"First time mo bang gagawin to?"

Tanong ko Kay Sadiah.She shook her head.

"No, I steal a lot of things.Pero ngayon palang itong pinaka mahalagang bagay,but my moves are clean so don't worry ms.Devie"

Kalmadong Sabi nito.Tumango nalang ako.

"Let's see"

Sabi ko.

"Ang tagal nyo Kyton at nick"

Sabi ni Axel.

"Teka eto na ko"

Naupo si Kyton sa tabi ko nang makarating Na siya.Nag apir sila ni Axel.

"Ngayon palang kikilos si Nick,naka tago siya kanina habang ini o off ko lahat ng cctv.Wala naman bantay"

"Walang nag momonitor??"

Tanong ni Axel.Tumango si Kyton.

Bakit pakiramdam ko may Mali.

"Ano men tigok kana ba?"

Kinakausap ni Axel si Nick Pero hindi naman umiimik si nick.Marahil ay isinasagawa niya Na Ang plano.

Nagulat ako ng makabalik Na kaagad si nick.Pasimpleng tumayo si Axel upang mag abang at ganuon Na din si Sadiah.

"Basic"

Sabi ni nic.

"At ngayon din mismo,makikita ng inyong mga mata ang pinaka iingatang ruby."

May Isang lalaking nag tutulak ng lamesa Na may gulong kung saan nakapatong Ang pa box Na may taklob Na tela.

Iyon Na Ang ruby.

"Lorena nasan kana?"

Tanong ko ngunit walang sumagot.

"Lorena"

Ulit ko sa pangalan nito.

"Lorena iimik ka ba o ito Na Ang huling araw mo bilang miyembro ng oceanasonian company"

"H-hmmm"

Nanlaki Ang mata ko.Oh god! natutulog nanaman siya!

"Oh,naka idlip pala ako dito sa banyo-"

"Humanda ka, malilintikan ka sakin kapag hindi ka umayos"

"Lorena mag sisimula Na"

Natatawang Sabi ni Kyton.

"Ewan ko sayo lorena"

Tawa ni Nick.

"Umiinom kaba lagi ng sleeping pills?"

Biro pa nito.

"Eto na nga"

Sabi ni Lorena.

"In a count of three"

Sabi ng emcee habang hawak Ang dulo ng tela.

"In a count of 5"

Sabi ko.

"1"

"1"

Ulit ko.

"2"

"3!"

Tinanggal Na Ang tela at lahat sila ay pumapalakpak at nag sigawan sa tuwa ng Makita Ang ruby.

Ibat ibang komento Ang sinabi nila.Ang iba ay tumayo Na upang mas makit Ang International ruby.

Nakakasilaw Na flash Mula sa paparazzi Ang dumating.

"4"

Patuloy Kong bilang.

"5"

Mariin Kong Sabi para sa Pinal sa bilang.Kaagad Na namatay Ang ilaw at nag sigawan Ang mga tao.Pumikit ako dahil nakakabingi Ang sigaw nila lalo Na Ang tili ng mga babae.

"Ayan Na..."

Naeexcite na bulong ni Nick.

"Wait? what's happening,calm down everyone"

Matapos Ang ilang segundo ay nabuhay Na ulit Ang ilaw at wAla Na sa babasaging kahon Ang ruby.

"Oh my god!"

Nagulat Ang mga tao gayun din Ang emcee.

Napa ngisi ako.

"Nawawala Ang ruby"

Naka ilang ulit Kong narinig Ang salitang iyon hanggang sa pinaupo muna ng emcee Ang lahat.

"This is very important thing,hindi po makaka labas Ang lahat nang hindi nakakapkapan"

Sabi nito.Nag simulang Isa isahin ng mga security guard Ang mga bisita.Nakapkapan Na nila lahat ngunit wala naman silang nakita.

"Nasa van Na kami"

Sabi ni Axel.Naka hinga ako ng maluwag.

"Kung sino man Ang kumuha ng ruby,nakikiusap po kami Na pakibalik Na ninyo."

Umismid ako.

Sinong mag nanakaw Ang aamin Na nag nakaw siya?

Kalaunan ay Pinayagan Na din Na lumabas Ang lahat.Walang dumating na imbestigador kaya mas lalo akong nag taka.

Nang maka rating Na kami sa sasakyan ay kaagad Na iniabot sa akin Ang ruby.

"Drive Corb,Sa bahay ko"

Sabi ko habang hawak Ang ruby at pinag mamasdan.Hindi ako makapag salita.Wala akong masabi.

"Pansin nyo ba kanina,kulang Na kulang sila sa seguridad?"

Tanong ni Axel.Lahat sila ay nag agree maliban sa akin Na nanatiling tahimik at iniisip kung ano Ang Mali.

"Sa bahay kayo matulog,mag papakain ako"

Sabi ko nalamang.

"Yan,yown naman si bossing"

Sabi ni Nick.

Gaya nang kanina ay maingay sila sa sasakyan lalong lalo na Ang human traffic lights.Nang makarating Na kami sa bahay ay nauna Na akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

Bitbit ko Ang ruby at nag tungo ako sa may kitchen.Sumunod sa akin si Kyton habang Ang iba ay nasa sofa at binubuhay Ang tv.

"Anong gagawin mo Devie?"

Tanong ni Kyton.Kumuha ako ng kutsilyo kaya nangunot Ang noo niya.

"Ms.Devie,hindi ba natin Yan ididiretso sa secured room?"

Hindi ko siya pinansin.Hindi ko Alam kung Tama ba Ang hinala ko Na peke Ang ruby necklace Na ginto Ang chain.

Nakakapag taka Ang mga nangyari kanina.Bakit emcee Ang nag expose ng ruby hindi Ang holder nito,ni hindi ko manlang nakita Ang holder nito.

Sinubukan Kong kutsilyuhin Ang gintong parte at laking gulat ko ng natuklap ito.

Nabitawan ko Ang ruby at Ang kutsilyo.

"IT'S FAKE!" malakas Kong sigaw.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 10 Crush   03-03 11:04
img
1 Chapter 1 Fake
27/01/2022
2 Chapter 2 Invitation
27/01/2022
3 Chapter 3 Project
27/01/2022
4 Chapter 4 Annoying
27/01/2022
6 Chapter 6 Tickets
27/01/2022
7 Chapter 7 Hairpin
27/01/2022
8 Chapter 8 Shocked
27/01/2022
9 Chapter 9 Promise
27/01/2022
10 Chapter 10 Crush
27/01/2022
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY