Get the APP hot
Home / Romance / My Jowable Tropa
My Jowable Tropa

My Jowable Tropa

5.0
17 Chapters
92 View
Read Now

About

Contents

Mula pagkabata ay magkaibigan na Sina Sky at Gabby. Sa Apat na magkakapatid ay si Gabby ang nag-iisang babae. At nang dahil do'n ay maging ang kilos ni Gabby ah parang lalaki na rin kung kaya't mabilis silang nagkasundo ni Sky. Mula elementarya hanggang kolehiyo ay magka-klase silang dalawa at hindi mapaghiwalay ay buong akala ni Sky ay tomboy si Gabby. Maraming nagkakagusto kay Sky dahil taglay nitong kahuwapuhan at kung magka-girlfriend Ms ito ay si Gabby agad ang makakaalam, dahil do'n ay paligid na nasasaktan si Gabby at masayang balang araw ay mapansin siya ni Sky. Magkaibigan lang ba talaga sila? O, MAGKAKAIBIGAN?

Chapter 1 Jealous

Lumipat ng tirahan ang Family Angeles sa Taguig dahil sa pag-aaral ng mga bata. Mas maganda kasi ang pag-aaral dito sa siyudad kumpara sa probinsiya

Dito rin nila nakilala ang Family Ponce at magkapit-bahay ang mga ito. Simula no'n ay naging magkaibigan ang dalawang pamilya maging ang mga anak nila lalong lalo na sina Star at Sky.

Halos magka-edad lang silang dalawa at parehong grade 1 students. Nag-transfer na rin si Star sa school kung saan nag-aaral si Sky at classmate silang hanggang high school.

Sa ngayon ay mga graduating sa sila sa high school at magkasabay rin silang pumapasok at pinuntahan na ni Sky si Gabby sa kanila.

"Good morning po, Tita," pagbati nito sa Mommy ni Gab pagbungad pa lamang nito sa pinto.

"Dadaanan ko na po si, Gab. Gising na po ba?" tanong pa nito.

"Magandang umaga rin sa 'yo, Sky. Naku hindi ko alam kung bumangon na siya kanina no'ng ginising ko siya, ikaw na lang ang tumingin. Bulabungin mo 'pag tulog pa," ani ng Mommy ni Gab na pinahintulan si Sky na puntahan si Gab upang gisingin.

"Sige po, gisingin ko lang." Agad na tinungo ni Sky ang kuwarto ni, Gab. Hindi nga nagkakamali ang ina nito dahil tulog mantika pa rin ito.

'Hanep! Sarap pa rin ng tulog mo at humilik ka, pa.' bulong ni Sky.

Kinuha ni Sky ang unan at hinampas sa natutulog na kaibigan. "Hoy! Gab gising na! Tanghali na, uy!" ngunit umikot lang ito ng puwesto. Nakaharap na ito ngayon sa kan'ya at kitang-kita nito ang magandang mukha nito.

Napangisi naman si Sky. "'Pag hindi ka pa gumising d'yan ay hahalikan kita!"

Bigla namang napamulat ng mga mata si Gab. "Gago ka! Hindi tayo talo, no!" asik naman ni Gab na nagising na.

Humalakhak naman ng malakas si Sky at sinamaan naman agad ito ng tingin ni Gab. "Asa! Akala mo naman gagawin ko sa 'yo talaga? E, mas lalaki ka pa nga sa 'kin." pambubuska nito sa kaibigan.

"Bilisin mo na d'yan at male-late na tayo." pagmamadali nito kay Gab na ngayon ay bumangon na sa higaan.

"Tss.. Oo na! Sige na, hintayin mo na lang ako do'n sa baba." taboy nito kay Sky, at nang makaalis ito ay aga na rin siyang pumasok sa bathroom at naligo.

Nakabihis na si Gab at hinanap na ang Mommy niya upang magpaalam nang umalis habamg si Sky naman ay tila naiinip na sa isang tabi kakahintay sa kan'ya.

"Mommy alis na po, kami," ani niya nang makita ito sa garden nagdidilig ng mga halaman.

"Oh, ikaw ba ay nag-almusal na? Ikaw na bata ka talaga kahit kailan ang hirap mong gisingin. Hindi ka na nahiya kay Sky na araw-araw mong pinaghihintay!" sermon naman ng Mommy na kina irita niya na naman.

Si Sky naman ay hihintay lang siya pero dinig pa rin nito ang paninermon sa kan'ya.

"E 'di 'wag siyang maghintay! Puwede naman siyang umalis, marunong naman akong pumasok mag-isa, ah," banas nitong tugon sa Mommy niya ngunit pabulong lang, dahil panigurado kapag narinig 'yon ganong sagutan niya ay makakatikim siya.

"Anong binubulong-bulong mo d'yan? May sinasabi ka?" bigla naman siyang nanahimik.

"Alis na po kami," sagot na lamang niya. Humalik na ito sa pisngi ng Mommy niya bago sila umalis ni Sky.

"Sige, mag-ingat kayo. Mag-aral kayo ng mabuti, ha. Sky...ikaw nang bahala d'yan sa kaibigan mo, ha! Isumbong mo sa 'kin kapag nagloko." Pinaikutan na lamang ni Gabby ng mga mata niya ang mga sinabi ng Mommy niya.

"Tara na nga! Bad trip!" maktol nito aya kay Sky.

Pagkarating sa School nila ay suwerteng wala ang teacher nila dahil late na sana silang dalawa.

"Buti na lang wala si Sir Casimero ngayon, kun 'di late na sana tayo," ani ni Sky sa kan'ya.

"Tara sa cafeteria kumain ka na, hindi ka pa nag-almusal 'di ba?" Agad siyang hinila nito sa kamay kung kaya't magka-holding hands silang pumunta sa cafeteria. Lihim naman siyang napangiti at kinilig dahil do'n.

Oo may pagtingin siya kay Sky, at hindi nito alam na hindi naman talaga siya tomboy. Kahit no'ng bata ay boyish na talaga siyang kumilos, puro kasi lalaki ang mga kapatid niya kung kaya't na adopt na rin niya ang mga kilos ng mga ito.

Ngunit sa puso ni Gabby ay babae siya. Hindi 'yon alam ni Sky, at hindi na rin naman niya nasabi no'n. Kuntento na rin siya na ganito dahil palagi silang magkasama. Marami rin naman siyang naging kaibigan pero mas lamang ang inis niya sa iba dahil alam naman nitong nakikipag-kaibigan lang naman sa kan'ya ang mga 'yon upang mapalapit kay Sky.

Marami kasing nagkakandarapa kay Sky sa school nila dahil napaka-guwapo talaga ng kaibigan niya, at isa na siya do'n. Umaasa rin naman siya na balang araw ay magustuhan rin siya ni Sky pero parang malabo dahil tomboy nga siya sa pagkakaalam nito.

"Dito ka lang, order lang ako," ani ni Sky sa kan'ya.

'Loko 'to, ah. Ano 'yon siya pa bibili ng almusal ko?'

Maya-maya ay bumalik na rin ito at may dalang breakfast meal.

"Luhhh! Sinabi ko ba na bilhan mo 'ko?" sabi pa nito kay Sky nang mailapag ang pagkain sa harap niya.

"Kumain ka na lang d'yan! Dami mo pang sinasabi." saway naman ni Sky sa kan'ya kung kaya't napanguso na lamang ito.

"Ikaw hindi ka ba kakain?" tanong niya kay Sky.

"Tapos na kao sa bahay. Ikaw ang kumain d'yan," tugn nito kay Gabby.

Nagpatuloy na lamang sa pagkain si Gab, maya-maya pa ay natanaw na nito di Deniece na papalapit sa table nila na may malapad na ngiti.

"Good morning, Love," masiglang bati nito kay Sky na nakangiti namang nilingon si Deniece.

Agad na nakaramdam ng selos si Gab, hindi niya alintana na napapabikis na pala ang subo niya ng pagkain at mabilis lang siyang natapos. Walang pakundangan na siyang tumayo dahil ayaw niyang makita ang dalawa at marinig ang pag-iinarte ni Deniece sa harap ni Sky.

'Tss….akala mo naman napakaganda, maputi ka lang kaya mukha kang maganda,' galit nitong anas sa isipan niya.

"Good morning...ba't nandito ka? Wala ba kayong klase?" tanong naman ni Sky sa girl friend niya.

"Meron, galing lang ako sa faculty may inutos lang 'yong teacher namin. Nakita kita dito, kaya pinuntahan na kita," saad nito.

"Love. Sabay tayo mamaya sa lunch, ha?"

"Ahmn...excuse me, una na 'ko sa inyo." Tumayo na ito at hindi na hinintay pang sumagot si Sky dahil badtrip na talaga siya.

'Buwisit! E 'di magsabay kayo! Paki ko, ba?'

Agad nakarating si Sky sa classroom nila lalo siyang naiinis dahil wala naman silang klase kaya wala rin naman siyang gagawin do'n. Pabalik na sana siya sa labas nang nakasalubong niya si Rhaine.

"Oh, Gab! Sa'n punta mo?" tanong nito sa kan'ya.

"Wala namang klase kaya lalabas muna 'ko," aniya.

"Gano'n ba? Halika tambay tayo do'n sa likod ng school, mahangin do'n kaya maganda tambayan." Hinila na siya nito kaya nagpatangay na lamang siya. Bukod kay Sky ay matalik niya rin itong kaibigan at ito lang ang nakakaalam na hindi talaga siya tomboy, alam din nitong may gusto siya kay Sky.

Nang makarating sila do'n ay agad silang naupo sa upuan na gawa sa kawayan, presko nga ang hangin do'n at tahimik.

"Oh! 'di ba? Sabi ko sa 'yo maganda dito, eh," masayang sambit ni Rhaine ngunit ngumito lamang siya na hindi abot tenga.

Iniisip niya pa rin ang tagpo kanina nina Deniece at Sky.

"Hoy! Ba't ang tahimik mo naman yata d'yan? May problema ka ba?" napansin kasi ni Rhaine ang pananahimik niya.

"Problema ba tawag kapag naiinis ka?"

"Luuhhh! Ngayon lang tayo ulit nagkasama naiinis ka na agad?" reklamo nito.

"May sinabi ba akong, ikaw?" banas nitong tugon kay Rhaine na nakatitig sa kan'ya.

"A-h..oo nga naman, pero bakit ka naiinis? Kanino?" muling tanong nito sa kan'ya. Napabuntong hininga siya bago sumagot kay Rhaine.

"Naiinis ako do'n sa girlfriend ni Sky. Nakakainis, napaka-arte, nawalan tuloy ako ng ganang kumain." Ngumisi naman si Rhaine sa sinabi niya.

"Ehemm...nagseselos ka, Gab. Kaya ka nagkaka gan'yan, kasi nagseselos ka," ani nito sa kan'ya.

"Uy! Babae na siya...tumitibok-tibok ang puso niya kay–" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil itinaas niya ang kamao at may pagbabanta niya itong binalingan.

Humalakhak naman ng malakas si Rhaine dahil napipikon na siya. "Galit ka na niyan?" pang-aasar pa nito.

"Wag ka ngang pikon d'yan dalawa lang tayo dito, oh. Kaya walang makakarinig sa 'yo, dito," dagdag pa nito.

"Hindi ko maiwan, eh. Ganito ba talaga kapag nagseselos? Basta naiinis ako kapag magkasama silang dalawa, tapos parang masakit sa dito." Sabay turo sa dibdib niya.

Continue Reading
img View More Comments on App
Latest Release: Chapter 17 Best gift ever   03-06 11:55
img
Download App
icon APP STORE
icon GOOGLE PLAY