Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya at kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay may pakiramdam siyang alam din iyon ni Brent. Paano kung isang gabi ay hinalikan siya ni Brent at sinabing subukan nila? Hindi niya maikakaila ang kuryenteng naramdaman nang halikan siya ng kaibigan. Pinagbigyan niya ito sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula nung gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Nakangiting lumapit sa kanya sina Katrina at Eunice. Mukhang kinikilig pa nga ang mga ito para sa kanya.
"Parating na ang my loves mo," pabulong na sabi ni Eunice dahil nasa malapit lang si Brent na nagbabasa ng komiks.
Andu'n na silang apat sa ilalim ng malaking kahoy sa bakanteng lote. Doon sila nagkikita-kitang magkakabarkada. Anim silang magkababata at magkakalapit lang ng mga bahay. Hinihintay na lang nila ang dalawa pa na sina Nick at si Joe.
Tatlo silang mga babae at dalawang lalaki. Oo, dalawang lalaki lang dahil si Joe ay bakla at ang pinakamaingay sa kanila.
Mabilis na kinuha niya ang suklay at salamin at nagsuklay uli ng hindi naman nagulong buhok. Pare-pareho silang highschool students sa parehong school. Sila ni Brent ang magkaklase lang at iyong iba ay nasa ibang section din.
Ibinalik niya agad ang salamin at suklay sa maliit na shoulder bag at hinintay na dumating na sina Joe at Nick. Nakaupo silang mga babae sa natumbang malaking puno ng kahoy habang si Brent ay nasa itaas ng puno habang busy sa binabasa nitong komiks.
Nakita na nila ang dalawang kaibigan na papalapit sakay ang mga bisikleta ng mga ito. Nagkatinginan pa silang tatlong mga babae at nagngitian. Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang malapit na ang dalawang bisikleta dahil nakita niyang may nakaangkas na babae sa bisikleta ni Nick.
Mabilis na lumapit sina Nick at Joe sa kanila at itinabi ang mga bisikleta. Inakbayan ni Nick ang babaeng kasama nito.
"Kanina pa ba kayo mga girlalu at isang unggoy?" malakas na tanong ni Joe na tiningala pa sa itaas ng puno si Brent.
Biglang tumalon galing sa puno si Brent para lumapit na rin. Walang umimik sa kanila at nakatingin lang sa babaeng inaakbayan ni Nick.
"Oh, si Fay pala, girlfriend ko," nakangiting pagpapakilala ni Nick sa babaeng kasama.
Biglang kumirot ang musmos niyang puso. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan lang niya. Tinititigan niya ang ipinakilala nito. Maganda ang babae pero mukha pa lang alam na niyang maharot.
"Hi!" masiglang sabi ng babae.
"Hi, I'm Brent," paunang pakilala ni Brent nang walang sumagot sa mga babae.
Inabot ni Brent ang kamay sa girlfriend ni Nick. Mapupungay ang mga matang bumaling ang tingin nito sa lalaki. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay may pagkamalandi ang pagkakangiti ng babae.
Actually, mas gwapo si Brent kesa kay Nick pero si Nick ang nagbibilang ng nobya. Siguro dahil mas magaling itong mambola. Si Brent kasi minsan ay may pagkasuplado at siya lang ang nakakaintindi ng topak nito dahil sila ang mas malapit sa isa't-isa.
Napakunot-noo pa siya nang tila nagpapa-cute ang babae kay Brent kahit katabi nito ng boyfriend nito. Nakita rin niya ang disgusto sa mukha ng dalawa pa nyang kaibigan na sina Katrina at Eunice.
"Ola! Ito naman ang mga magaganda naming besties. Si Katrina, si Eunice at siyempre ang pinakamaganda sa balat ng lupa si Zyline!" nagulat pa silang lahat sa malakas na boses ng bakla nilang kaibigan na si Joe.
Napilitang inabot na din nila ang kamay sa bagong girlfriend ni Nick. Ikalimang girlfriend na yata ito na naipakilala sa kanila ng kaibigan.
"Oh, girls, tulungan ninyo akong ilatag itong sapin du'n para may picnic feeling tayo. May dala na rin kaming pagkain," biglang sabi ni Joe na nagpauna nang pumunta sa tabi ng puno.
Sumunod naman agad sina Eunice at Katrina. Siya ay hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan. Magpapaalam na lang sana siya na uuwi at magdadahilang sumakit ang ulo lalo't nakita nyang sweet na sweet ang lalaking itinatangi niya at ang girlfriend nito. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Brent.
"Joe, pahiram muna ng bike mo, ha? Magpapahangin lang kami ni Zy," paalam nito at hinawakan na siya sa kamay para puntahan ang bike ni Joe.
Hindi siya nakaimik na sumunod na rin sa paghakbang nito.
"Uy, kayo, ha? Baka kayo na at hindi niyo lang sinasabi," nanunuksong sabi ng bakla na tumigil pa muna sa ginagawa nito.
Napatingin sina Nick at ang girlfriend nito sa kanila.
"Oo nga. Sabihin niyo na kasi para happy-happy!" biglang sabat ni Nick.
Biglang napangiwi ang mukha niya sa mga narinig.
"Mga sira!" nakatawang sabi ni Brent saka pinasakay na siya sa bike.
Hindi umimik ang dalawang babaeng kaibigan nila dahil alam naman talaga ng mga ito kung sino talaga ang gusto nya.
Sumakay na rin siya sa harapan ni Brent. Hindi pa rin siya kumikibo. Sinimulan na nito ang pag-pedal ng bike. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero wala siyang pakialam. Kahit saan siya dalhin ni Brent ay sasama siya. Baka kasi bumunghalit na lang siya ng iyak kapag andu'n siya.
"Okay ka lang?" biglang tanong ni Brent.
"Yep," maikling sagot nya.
Ipinikit niya ang mga mata para damhin ang dampi ng hangin sa mukha habang iniikot nila ang buong subdivision.
Alam niya na kahit hindi niya sinasabi dito ang malaking pagkakagusto niya kay Nick ay alam na alam ito ng lalaki. Alam nyang sinadya nitong isama siya sa pagbibisikleta dahil nakita siguro nitong maiiyak na siya kanina.
Kahit wala pa siyang sinasabi sa kaibigan niya na ito ay alam nito ang lahat ng nararamdaman niya.
Tumingala siya sa mukha ng kaibigan na nakatuon ang pansin sa daan.
Bakit kasi hindi na lang siya dito nagkagusto? Ang gwapo naman talaga nito. Katunayan si Nick ay maputi lang pero hindi talaga kagwapuhan pero si Brent ay mestiso ang mukha dahil may lahing banyaga ang ama nitong naninirahan na sa ibang bansa kasama ang pamilya nito.
Hindi kasi kasal ang mga magulang ng lalaki hanggang sa naghiwalay. Kalaunan ay nakapag-asawa na ang ama ng binata habang ang ina nito ay nagtatrabaho abroad. Naiwan ito sa pangangalaga ng Tita nito na may sariling pamilya na rin.
"Tapos ka na ba?" maya-maya'y tanong nito na nasa kalsada pa rin nakatingin.
"Huh?" nagtatakang tanong niya na nananatiling nakatingala sa mukha nito.
"Tapos ka na bang kilatisin ang kagwapuhan ko?" saka ito yumuko sa kanya nang nanunukso ang mga mata.
Umirap lang siya sa lalaki.
"Kapal," mahinang sabi niya.
Tumawa lang ito at tumingin uli sa daan. Maya-maya'y narinig na lang niyang kumakanta ito nang mahina. Kinakanta nito ang kanta ni Bituin Escalante na Kung ako na lang sana ang iyong minahal.
Napangiti na siya at sumabay na rin sa pagkanta nito. Nasundan pa iyon ng iba pang kanta hanggang sa nagtatawanan na sila dahil pareho silang sintunado.
Nakangiti na siya nang bumalik sila ni Brent sa tambayan nilang magbabarkada. Magkahawak-kamay pa silang lumapit sa mga kaibigan na nakatingin sa kanila. Nakita nya ang pagtaas ng kilay ni Fay.
"Ay, iba! Talagang matagal na akong nagdududa sa dalawang ito, eh!" pumapalakpak pa na sabi ni Joe.
Nakita din niya na seryosong nakatingin si Nick sa kamay nila ni Brent na magkahawak. Nagkatinginan lang silang dalawa ni Brent saka sabay na nagtawanan. Umupo na rin silang dalawa sa tabi ng mga ito. Kumuha si Brent ng pagkain nila at pinagsaluhan nila iyon.
Nakatingin lang sa kanila ang lahat at para mas lalong asarin ang mga ito ay sinubuan pa siya ni Brent. Nakangiting ibinuka nya rin ang bibig para kainin ang isinusubo nito saka sila nagtatawanan na namang dalawa.
Zyline had liked Nick for a long time. There were six of them in their group of friends, including Nick. Everyone knew about her feelings for him-except, it seemed, Nick himself. She couldn't tell if he was just insensitive or if he simply didn't have any feelings for her. Brent was her closest best friend among all of them, and even though she was too shy to tell him about her feelings for Nick, he knew anyway. What if, one night, Brent kissed her and said they should give it a try? She couldn't deny the spark she felt when he kissed her. She agreed to what he wanted-they would try to be together but in secret. Now, she was utterly confused. When Brent thought that she still had feelings for Nick, he suddenly left and disappeared without a word. That's when Nick finally pursued her for real. But why, instead of being happy-finally noticed by Nick as a woman-did her heart keep longing for Brent? Brent, who hadn't reached out to her since the night when something almost happened between them.
Isang librong may anim na kwento ng kababalaghan na tiyak na magpapatindig ng inyong mga balahibo. UNANG KWENTO: Boarder IKALAWANG KWENTO: Ang Kwintas ni Lola IKATLONG KWENTO: Obra Maestra IKAAPAT NA KWENTO: The Cursed Tattoo IKALIMANG KWENTO: Diet HULING KWENTO: Ang Bangungot na Dreamboy
Because of the strong desire to give the best treatment for her mother after her stroke, Samantha was forced to accept the offer to dance for a client, Mr. MC. She is a private sexy dancer of a wealthy man. She hasn't seen his face not even once because he always wears a masquerade mask when she dances in front of him. She needs to give him a good show to warm his night just by dancing. Just watch, no-touch, that's it! When she got to know his personality, she gradually fell in love with the man. Will she be able to fight how she feels with the person who pays her just because of her body? What if the agreement ends when the woman he was supposed to marry returns?
Dahil sa kagustuhang maipagamot ang ina pagkatapos nitong ma-stroke ay napilitan siyang tanggapin ang offer na sumayaw sa isang kliyente na si Mr. MC. Isa siyang private sexy dancer ng lalaking hindi man lang niya nasisilayan ang mukha. Kailangan niyang painitin ang gabi nito sa pamamagitan lang ng sayaw. Just watch, no touch, kumbaga. Nang makilala na niya ang katauhan nito ay unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya sa lalaki. Makakaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa taong binabayaran ka lang dahil sa katawan mo? Paano kung ang kasunduan ninyo ay magtatapos kapag bumalik na ang babaeng pakakasalan sana nito?
Allison fell in love with Ethan Iversen, the soon-to-be Alpha of the Moonlight Crown pack. She always wanted him to notice her. Meanwhile, Ethan was an arrogant Alpha who thought a weak Omega could not be his companion. Ethan's cousin, Ryan Iversen, who came back from abroad and was the actual heir of the pack, never tried to get the position nor did he show any interest in it. He was a popular playboy Alpha but when he came back to the pack, one thing captured his eyes and that was Allison.
In order to fulfill her grandfather's last wish, Stella entered into a hasty marriage with an ordinary man she had never met before. However, even after becoming husband and wife on paper, they each led separate lives, barely crossing paths. A year later, Stella returned to Seamarsh City, hoping to finally meet her mysterious husband. To her astonishment, he sent her a text message, unexpectedly pleading for a divorce without ever having met her in person. Gritting her teeth, Stella replied, "So be it. Let’s get a divorce!" Following that, Stella made a bold move and joined the Prosperity Group, where she became a public relations officer that worked directly for the company’s CEO, Matthew. The handsome and enigmatic CEO was already bound in matrimony, and was known to be unwaveringly devoted to his wife in private. Unbeknownst to Stella, her mysterious husband was actually her boss, in his alternate identity! Determined to focus on her career, Stella deliberately kept her distance from the CEO, although she couldn't help but notice his deliberate attempts to get close to her. As time went on, her elusive husband had a change of heart. He suddenly refused to proceed with the divorce. When would his alternate identity be uncovered? Amidst a tumultuous blend of deception and profound love, what destiny awaited them?
Caught in a web of betrayal, Nicole's life shatters in a single evening when her mother-in-law, Veronica, sets her up in an elaborate scheme. Blindsided, Nicole faces her husband Taylor's cold rage as he casts her out of his life and home, accusing her of infidelity and theft. As she tries to defend herself, her best friend, Sarah, adds another blow by denying their loyalty. "Please, Taylor, you have to believe me!" Nicole pleads, her voice breaking, but his icy response is a dagger to her heart. "I don't hate you, Nicole," he sneers. "I despise you." When Nicole reveals she's pregnant, she hopes for compassion, but it only fuels Veronica's determination to rid the family of her. After signing the divorce papers, a dejected Nicole wanders alone, where a brutal attack leaves her bleeding, helpless, and desperate to protect her unborn child. Six years later, Nicole returns from the ashes to inflict seven times the pains upon those who humiliated her and left her to die. "I'll make them pay so dearly that they'd regret ever been born!" She declares. This is a story of romance and revenge you don't want to miss!
For as long as Emily can remember, she has wanted to overcome her shyness and explore her sexuality. Still, everything changes when she receives an invitation to visit one of the town's most prestigious BDSM clubs, DESIRE'S DEN. On the day she chose to peruse the club, she noticed three men, all dressed in suits, standing on the upper level, near the railing. Despite her limited vision, she persisted in fixating on them. Their towering statues belied the toned bodies concealed by their sharply tailored suits-or so she could tell. The hair of two of them was short and dark, and the third had light brown-possibly blond-hair that reached the shoulders. The dark, crimson background incised their figures, exuding an air of mystery and strength. They stood in stark contrast to the unfiltered, primal energy that pulsed through the club. Shocked by the desires these men aroused in her, she was disappointed to learn that they were masters seeking a slave to divide and conquer. She couldn't afford the fee, and she also realized that they were outside her league. Emily hurriedly left the club, feeling disappointed and depressed, unaware that she had also caught the group's attention. A world of wicked pleasure, three handsome men. Over the years, they have lived a life of decadence, their lavish lair serving as a stage for their most sinister desires. But despite the unending parade of willing subjects, one woman sticks out. A mysterious stranger with white porcelain skin and a killer body, a slave, a name with no address, the first lady to attract their eye and they will go to any length to obtain her no matter the consequences.
A man like Travis Sinclair wants nothing more than a woman who matches his sexual prowess and is used to getting everything he wants. A cold-hearted billionaire ,he lives by one rule - no love, no commitment. Ayanna Davies isn't looking for a relationship. She's focused on her work and the financial security it brings. As a high end escort, her client is full of filthy rich men who are willing to pay handsomely for her services. But when Travis Sinclair becomes one of her clients, she begins twice about mixing work with pleasure. Not knowing that he is an old acquaintance whom she despises.
Corinne devoted three years of her life to her boyfriend, only for it to all go to waste. He saw her as nothing more than a country bumpkin and left her at the altar to be with his true love. After getting jilted, Corinne reclaimed her identity as the granddaughter of the town’s richest man, inherited a billion-dollar fortune, and ultimately rose to the top. But her success attracted the envy of others, and people constantly tried to bring her down. As she dealt with these troublemakers one by one, Mr. Hopkins, notorious for his ruthlessness, stood by and cheered her on. “Way to go, honey!”